Pinoy Reality Children's Church
Huwag mong panghinayangan ang naging contribution mo sa Children’s church. Hindi ka man dito pansinin o papurihan, ang mga batang iyong tinuturuan ay mga kaluluwa din. Kadalasan mas marami pa at masmadali pang magbahagi sa mga bata. Ang bawat batang tumanggap sa Panginoon ay may gantimpalang kapalit balang araw. Marahil magugulat ka din, may lalapit na lang sa iyong magpapasalamat sa langit.
Nakakatuwa pagmagaling ang isang estudyante lalo na kung impressive sa memory verse o cute. Pero higit pa dito ang basehan kung talagang nagawa mo ang gusto ng Panginoon sa mga bata. Hindi ka lang isang ordinaryong tagapagturo. Isa kang lingkod ng mga bata, anuman ang kanilang kalagayan sa buhay, ugali, kapintasan, sakit, o anumang katangiang kinaiinis mo. Maging sensitibo ka sa kanilang kalagayan. Kadalasan, ang kanilang negative attitude ay bunga lamang ng mga pasakit kahit pa sa mura nilang kaisipan. Kung kinakailangan, pakainin mo sila kung nagugutom. Encourage and laugh with them kung sila’y maramdamin o depress. Turuan mo kung kulang sila sa kaalaman sa eskwela. Palakasin mo ang kanilang loob kung sila’y mahiyain. Mahalin mo silang para mong tunay na anak, kapatid o kaibigan. May mga pagkakataong kailangan mo silang dalawin sa kanilang bahay. Huwag ka lang malapit sa mga magaganda sa panlabas. The more naghihikahos, may kapintasan o walang maigaganti sa kabutihan mo, sila pa ang mas lalo mong paglingkuran. Bring out the best them. Kahit mataba ay pasayawin o pakantahin mo.
SET YOUR GOAL NOW! PLAN AHEAD
Magmasid ka. Tingnan mo ang kalagayan ng Children’s Church. Kontento ka na ba? Diba’t masmaganda kung may sapat at modernong gamit tulad ng musical instrument o projector gaya ng sa matatanda?Hindi sapat na magaling ka lang magturo. Kailangan mo ring maging committed sa ikakaunladat lawak ng gawain sa mga bata. Kailangan nito ang support para lumawak sa kagamitan. Athabang tumatagal, maganda rin may magmula sa Children’s church ang maging matagumpaysa buhay at kikilalanin ang kaniyang pinagmulan. Kailangan ditto ang magmamalasakit sa mga suportang kailangan tulad ng mga donasyon material at financial. Magandang patotoo rin kung may maitayong institution tulad ng eskwelahan o learning center; foundation na may ugnayan sa mga grants at donation; etc. Ang ikakalago at tagumpay ng ministry ay kadalasang naka depende sa pangitain at pangmatagalang plano ng mga nangangasiwa.Hindi masamang dumalo sa ibang churches o seminar para makita ang daan sa tagumpay ng iba. Hindi masamang mangarap na sana magkaroon na ng sariling private space ang mga bata, may guitars and other musical facilities. Hindi masamang mangarap na magkaroon ng sariling computer at accessories, magkaroon ng projector at copier, at iba pang napapanahong kagamitan. Hindi masamang mangarap basta set your goal and developmental plans. Walang imposible sa Panginoon basta ipagkatiwala sa Kaniya ang mga plano.Maganda na ngayon palang ay ipanalangin na sa Panginoon ang mga pangitaing gustong tahakin ng mga tumatayong leader. “Set your mission and vision now,” and led God bless you as you bless the kids.”
(in Filipino native language)
IntroductionWalang perpektong children’s church o Sunday School ng mga bata. Pero mayroong epektibo at mayroon ding hindi sa iba’t-ibang churches. ito ang dahilan kung bakit ang iba may development at ang iba ay “monotonous” na lang. Dapat alamin ng nangangasiwa kung alin kayo?
1985 pa talaga nagsimula ang In Christ We Live Family Christian Center. Noon ay Live in Christ pa ang pangalan. Makalipas ang ilang taon ay sinimulan ang children’s Sunday School. Maganda ang naging simula at lumawak ang naabot bunga ng kasiglahan ng mga nangangasiwa noon, ang mga kabataan. Noon din nag-umpisa ang Vacation Bible School.Pero isang malaking “question mark” kung bakit ang mga tinuturuan noon ay hindi nagpapatuloy kapag sila ay nag high school na. Bumili pa nga noon ng mamahaling mga books bilang curriculum. Gumagastos din ang church ng iba pang materials at facilities. Nag hire pa nga ng graduate pa ng Bible School. Pero kahit sa kabila ng mga gastos ay parang ganoon pa rin.
Nanghinayang ako sa kawalan ng development kaya sinubukan kong lumabas sa mga “Americanized theological books,” at nag apply ng practical na sistema. Hindi na ako nagturo at nag raise na lang ako ng mga tagaturo. Binawasan ko ang puros teaching at ginawa kong 50% lang ang salita, at 50% naman sa gawa o activities. Mula noon nakita ko ang pagbabago, lalu na ng binigyan ko din ng role ang mga batang grade 5 & 6 na. Lalo na ng gumawa din ng mga activites sa youth na sasalo sa mga graduate ng Children’s church. Mula noon ay umabot na ang marami sa high school at nandiyan pa hanggang ngayon. May hindi talaga makukuha sa libro. Alamin ninyo yon.
PATOTOO
Isang araw sa bansang Amerika ay may isang guro ng Sunday School ang nagbitiw sa kaniyang pagtuturo dahil sa tingin niya wala namang nangyayari. Kasabay ng oras at araw na yoon ay may mga sundalong Amerikano ang “inambushed” sa bansang Vietnam. Napakaraming namatay. Ang mga sugatan ay kaagad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan. Sa dami ng pasiyente ay hindi maasikaso lahat. Ngunit may isang kabataang sundalo na naghihingalo ang sumenyas at tinawag ang isang Doctor. Kaagad naman itong nilapitan at inilapit ang tainga sa bibig na bumubulong. At ang sabi, “Doc, pakisulatan mo naman ang aking Sunday School teacher noong bata pa ako na ganito ang pangalan sa ganitong lugar sa Amerika.” “Pakisabing maraming salamat dahil isang Linggo noong ako ay bata pa ay pinasunod niya ako sa panalangin ng pagtanggap kay Hesus bilang Panginoon at sariling tagapagligtas.” “Tinanggap ko noon si Hesus sa aking puso at nanalig na ako ay ligtas na.” “Salamat dahil ngayon ay pupunta na ako sa Langit.” “ Pakisabi ring siya ay aking hihintayin doon.”Ilang saglit lang at ang kabataang sundalo ay namatay.Makalipas ang ilang araw ay may dumating na sulat sa bahay ng dating guro ng Sunday School. Nagtaka siya dahil wala siyang matandaang ganoong pangalan. Ngunit ng kaniyang mabasa ang kabuuan ng sulat, hindi niya napigilan ang lumuha hanggang siya ay mapaiyak. Magmula noon, siya’y bumalik sa pagtuturo sa children’s church. Ito ay naganap sa totoong buhay, hango sa “Our Daily Bread, back issue.”
Isang araw sa bansang Amerika ay may isang guro ng Sunday School ang nagbitiw sa kaniyang pagtuturo dahil sa tingin niya wala namang nangyayari. Kasabay ng oras at araw na yoon ay may mga sundalong Amerikano ang “inambushed” sa bansang Vietnam. Napakaraming namatay. Ang mga sugatan ay kaagad na dinala sa pinakamalapit na pagamutan. Sa dami ng pasiyente ay hindi maasikaso lahat. Ngunit may isang kabataang sundalo na naghihingalo ang sumenyas at tinawag ang isang Doctor. Kaagad naman itong nilapitan at inilapit ang tainga sa bibig na bumubulong. At ang sabi, “Doc, pakisulatan mo naman ang aking Sunday School teacher noong bata pa ako na ganito ang pangalan sa ganitong lugar sa Amerika.” “Pakisabing maraming salamat dahil isang Linggo noong ako ay bata pa ay pinasunod niya ako sa panalangin ng pagtanggap kay Hesus bilang Panginoon at sariling tagapagligtas.” “Tinanggap ko noon si Hesus sa aking puso at nanalig na ako ay ligtas na.” “Salamat dahil ngayon ay pupunta na ako sa Langit.” “ Pakisabi ring siya ay aking hihintayin doon.”Ilang saglit lang at ang kabataang sundalo ay namatay.Makalipas ang ilang araw ay may dumating na sulat sa bahay ng dating guro ng Sunday School. Nagtaka siya dahil wala siyang matandaang ganoong pangalan. Ngunit ng kaniyang mabasa ang kabuuan ng sulat, hindi niya napigilan ang lumuha hanggang siya ay mapaiyak. Magmula noon, siya’y bumalik sa pagtuturo sa children’s church. Ito ay naganap sa totoong buhay, hango sa “Our Daily Bread, back issue.”
Huwag mong panghinayangan ang naging contribution mo sa Children’s church. Hindi ka man dito pansinin o papurihan, ang mga batang iyong tinuturuan ay mga kaluluwa din. Kadalasan mas marami pa at masmadali pang magbahagi sa mga bata. Ang bawat batang tumanggap sa Panginoon ay may gantimpalang kapalit balang araw. Marahil magugulat ka din, may lalapit na lang sa iyong magpapasalamat sa langit.
HINDI LANG SILA BASTA BATA,SILA’Y MGA KALULUWANG DAPAT DING MALIGTAS.
Maaaring hindi mo pa alam o hindi mo pa akalain. Ang pagtuturo sa mga bata sa Sunday School, sa V.B.S. o sa special Number ang isa sa pinakamabuti mong magagawa para sa Panginoon. Ito rin ang pinakamabungang ministry at kung mae-enjoy mo, pati itsura mo’y mag mumukhang bata.Hindi baduy o “dyologs” ang maging children’s church workers. Hindi sukat akalain ng ibang mga workers na ang “calling” sa mga bata ang may isa sa pinakamaraming gantimpala sa langit.Hindi lang ito para sa mga babae o walang trabaho. Masmabuti nga kung lalake ang tatayong teacher o leader dahil physically strong at maraming pwedeng gawin.Ngunit sa totoo lang, hindi rin ito gaanong pinapangarap o pinapansin tulad ng Worship team at ibang ministry. Pero dito ay halos kusa at madaling lumalapit ang mga kaluluwa sa Panginoon. At kung nakita ng mga magulang na mahal mo ang anak nila, sila rin ay mahahamon at mailalapit sa Panginoon.
Ang formula na natutunan ko sa Panginoon ay huwag puro sermon at salita. Turuan mo sila pero kailangan mo ding i-train. Huwag mo silang i-baby sit. Hayaan mo silang makatayo gaya ng ginawa sa iyo. Tulad ng ginawa sa matatanda, kailangan mo din silang pakainin ng karne hindi puros gatas. “Never underestimate the children.” Sila ang gagamitin ng Diyos pagdating ng araw para masmarami pa ang maakay.“Train up a child in a way he should go. And when he is old, he will not depart from it.” Kadalasan kasi ay isang taon lang ang kainitan. Mahalagang mabigyan mo siya ng responsibility para magpatuloy. Be a mentor to your student .
KIDS' CATEGORY
Sa mga churches na malalaki at may sapat na workers o gamit, apat hanggang higit pa ang division (Infants/Toddlers, Pre-school, Primary, Middlers, Juniors, at special children o yung mga abnormal). Sa di naman gaano kalakihan, pwede na ang tatlong levels (sa center o outreaches man):

(1) Infants/Toddlers – babies o yung mga alagain. Kadalasan sila yung mga 2 yrs. old pababa. Maganda sana kung may mga crib dito at play pen.
Key words: alagain, mahilig maglaro, pinapatulog
(2) Small kids – sila ang pinagsamang pre-school at primary na may edad mula 3 to 8 yrs. old, o grade 2 pababa. Pwede na dito isama ang mga special children kung mayroon.
Key words: malikot, malaro, mahilig maglakad, matanong, madaling mainip, madaling magutom
(3) Big kids - sila ang pinagsamang middlers at juniors na may edad mula 9 to 12 yrs. old, o grade 3 to 6.
Key words: aktibo, may malisya na ang ilan, sensitibo, may interes sa grupong paggawa at challenge.
Kailangan dito ang immagination at creativity.Kung ikaw ba ang bata, sa tinginmo gaganahan ka kung hindi man lang pinaghahandaan ang bawat Sunday School?Problema talaga ang isang church na boring na nga, wala pang programa at activities. Kung walang pondo, minsan kailangan mong magsacrifice. Gastusan mo sila kung kinakailangan para maramdaman nila na mahalaga sila. Ibabalik naman ito sa iyo ng Panginoon.Suggestion sa programa.Diba tatlo ang parts ng isang individual? (Body, Soul and Spirit). Kaya dapat tatlo rin ang ita-target mo sa iyong programa linggo-linggo. Kung umaabot ng tatlong oras ang service sa church, kailangan mo itong i-divide sa tatlong bahagi para hindi puros pang spiritual lamang. Kailangan mayroon ding pang physical, emotional at mental. Kailangan mo ding may activities at parte na may participation sila. Magandang ang program ay tulad din ng Tabernacle, may tatlong bahagi.
SuggestedProgram sequence: (Pwedeng mabago)
I. Arriving of Children’sChurch workers (should be earlier than kids) / Facility preparation
II. Arriving of kids and moodsetting
III. Physical stretching with livelyworship song (e.g One way)
IV. Opening Prayer. Mahalagang may time na bata ang magpe pray. Magandang minsan ay ipasulat ang prayer ng mga bata. Magugulat ka sa laman ng kanilang puso.
V. Learning of songs & Singsperation
VI. Snack
VII. Lesson for the day.
Dapat may iba’t ibang creative na paraan ng pagkwento para may excitement sa mga bata. Madalas, masnatututo ang bata kung may kasamang activites. Minsan pwedeng practice ng special number na indirectly ay tinuturo ang lesson.
VIII. Crafts or Values formation
IX. Prayer of Acceptance / Closing
Iba-iba ang pwedeng gawin sa Special number ng mga bata. Basta maging creative lang angNamumuno.Kung magiging sensitibo ang taga pamuno ng bata, may panahong ang Holy Spirit ang nagli-lead kung ano ang situasyon sa church at kung ano ang dapat gawin. Never under estimate the children. Sa aking karanasan, may time na ginagamit ang mga bata para i-encourage ang church o ang isang individual. May time din na mayroon palang kino-convict o ang Lord, bata ang ginagamit. May time din na mababa ang moral ng lahat, sa pamamagitan ng special number pinapalakas nito ang loob ng marami. Marami na din ang nagpatuloy dahil sa mga special number. Hindi lamang ito para sa mga nanonood. Ito ay para sa gumaganap din. Two birds in one stone, ika nga. Kahit mataba ay pasayawin.
Interpretative dance ang isa sa pinaka simple. Pero ito ang isa sa pinaka pag relay ng mensahe ng Panginoon sa Congregation. Tumbok nito ang kalooban at damdamin ng isang akakapanood, lalu pa’t kung tamang-tama ang music na ginamit. Hindi dito kailangan ang pinakamagaling magsayaw. Pinaka simpleng bata ang kailangan lang na kayang magpatangay sa agos ng isang madamdaming Christian song. Dito ko nakita na nawawala na sa paningin ng nanonood ang nagsasayaw. Ang nakikita na nila ay ang Panginoon na kinakausap sila. Ngunit hindi dapat palimita para huwag magsawa. Pwedeng maging creative o gumastos kung kailangan talaga, basta malinaw na maipapaabot ang mensahe ng Panginoon. Pwedeng kumunta o sumayaw. O kaya ay skit, demonstration ng kakayahan tulad ng tae kwon do o sa sports. Pwede ring pa cute with props. Pwede ring folk dance o kaya ay banda ng mga bata. Pwede ring tumula o declamation. Walang limitasyon basta maabot ng iyong imagination.
Sino ba naman ang hindi mapapahanga sa mga ala-magician na tira ni Efren “Bata” Reyes (Billiards); mga shoot ni Michael Jordan (Basket Ball); sa galing ni Manny Pacquiao (Boxing). Marami pa akong hindi nabanggit. Pero sa tingin ko, ang isa sa dahilan kaya sila iniidolo at ginagaya ay dahil sa kanilang “performance” at hindi pagsuko. Halos magpa-kamatay na ang mga manlalarong ito maibigay lang ang “best” sa laban. Syempre ay nandoon ang kanilang likas na galing. Sa panahong ito, sila ang nagbibigay ng pag-asa at inspirasyon na dapat sana ay mga Christians ang gumaga-wa para si Lord ang maitaas. Masmaganda sana kung ang mga guro ay inspirasyon din. Alam nyo ba na ang mga Christians ang mga original na “extremes” at “radicals.” Tayo ang dahilan sa pag-abante ng technology, ang breakthrough sa halos lahat ng fields of science, freedom ng maraming tao at record breaker sa maraming paligsahan. Kaya’t kung maibigay ng tagapagturo o leader ang tamang motivation sa mga bata, hindi lang sila magiging mabait. Magbibigay pa sila ng karangalan sa Lord at sa church. Lalu na kung ang isang batang walang pag-asa ay nabago ang buhay.Masmaganda kung ang iyong tinuturuan ay magsusumikap sa pag-aral, gagaling sa sports kung ito ang kaniyang hilig, makakamit ang kaniyang pangarap, may maabot na position sa lipunan o sa ibang bayan, at iba pang imposibleng pagbabago sa buhay. Kailangan din ng challenge at saya sa Children’s church para sila ganahan. Encourage mo sila lagi.
REALITY
Lahat ng bata ay dapat welcome sa Sunday School o sa Vacation Bible School. Huwag na huwag kang magtatangi.